Philippine Army, maghihigpit na sa pagtanggap ng mga reservists

FB Photo
FB Photo

Bunsod nang pagkakasangkot ni Vhon Tanto sa pagpatay sa isang siklista dahil sa away trapiko, maghihigpit na ang Philippine Army sa pagkuha ng kanilang reservists.

Sa panayam kay Col. Arnulfo Burgos, hepe ng Army Civil Military Operations, ayaw na nilang makaladkad pa ang kanilang hukbo sa mga kaso gaya ng kay Tanto.

Nilinaw pa muli ni Burgos na si Tanto ay kanilang Civilian Auxilliary Reservist at dagdag pa niya matagal na itong hindi nagre-report sa supervisor nito sa Caloocan City.

Aniya hindi rin nila alam na may mga personal na baril si Tanto, na tinanggalan na rin ng lisensya ng Philippine National Police (PNP), kaya’t ikinukunsiderang nang mga loose firearms na mga ito,

Ayon kay police Chief Supt. Cezar Binag, epektibo na mula pa noong Huwebes ang kanselasyon ng mga lisensiya ng baril ni Tanto.

Nabatid na ang caliber .40 pistol at caliber .45 pistol ng army reservist ay mag-eexpire sa December 11 2017, samantalang ang lisensiya ng isa pa niyang caliber .45 pistol ay mapapaso sa darating na disyembre.

Read more...