NDRRMC nagpulong na para sa pagtama ng bagyong Carina

Nagsagawa ng pulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa pagtama ng bagyong Carina.

Ang pre-disaster risk assessment ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa PAGASA, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pagtataya ng PAGASA ang bagyo ay tatama sa Cagayan province sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga. Bunga nito asahan na ang hanggang malakas na buhos ng ulan sa Visayas at Bicol Region sa susunod na 24 oras.

Uulanin naman pagdating ng Sabado ng gabi ang MIMAROPA region at ang bagyo ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes.

Epektibo alas-5:00 ng hapon ng Biyernes ay itinaas sa blue alert ang alert level ng operations center ng NDRRMC bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyo.

Read more...