Signal #1 nakataas sa tatlong lugar sa bansa dahil sa bagyong Carina
Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa lalawigan ng Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar dahil sa bagyong Carina.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 135 kilometers East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras malapit sa gitna.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 11 kilometers kada oras sa sa direksyong North Northwest.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Carina ay makapaghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 gayundin sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at Masbate.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibilidad na magkaroon ng glashfloods at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.