Halos pisong rollback sa presyo ng LPG, ipatutupad ng ilang kumpanya

LPG(UPDATE) Magpapatupad ng rollback sa presyo ng cooking gas o liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.

Una nang nag-anunsyo ang kumpanyang Solane na magbabawas ito ng P0.82 sa kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P9.02 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

Epektibo ang rollback sa Lunes, August 1, alas 6:00 ng umaga.

Ang kumpanyang Gasul at Fiesta Gas naman ay magpapatupad ng P0.70 kada kilogram ng kanilang LPG o katumbas na P7.70 kada 11-kilogram cylinder.

Epektibo ang price rollback ng Gasul at Fiesta Gas alas 12:01 ng madaling araw sa Lunes, August 1.

Samantala, sa susunod na linggo rin ay tiyak nang may rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilag produktong petrolyo.

 

 

Read more...