Halos pisong rollback sa presyo ng LPG, ipatutupad ng ilang kumpanya
(UPDATE) Magpapatupad ng rollback sa presyo ng cooking gas o liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.
Una nang nag-anunsyo ang kumpanyang Solane na magbabawas ito ng P0.82 sa kada kilo ng kanilang LPG.
Katumbas ito ng P9.02 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.
Epektibo ang rollback sa Lunes, August 1, alas 6:00 ng umaga.
Ang kumpanyang Gasul at Fiesta Gas naman ay magpapatupad ng P0.70 kada kilogram ng kanilang LPG o katumbas na P7.70 kada 11-kilogram cylinder.
Epektibo ang price rollback ng Gasul at Fiesta Gas alas 12:01 ng madaling araw sa Lunes, August 1.
Samantala, sa susunod na linggo rin ay tiyak nang may rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilag produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.