Orange rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa 5 lalawigan sa Visayas
Itinaas ng PAGASA ang Orange rainfall warning sa limang lalawigan sa Visayas dahil sa bagyong Carina.
Sa 1:55PM advisory ng PAGASA, nakataas na ang orange (intense) rainfall level sa mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Nangangahulugan ito na umabot na sa 15 hanggang 30 millimeters ang dami ng tubig ulan na naibuhos sa nasabing mga lugar sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal pa sa susunod na dalawang oras.
Abiso ng PAGASA, nagbabadya ang pagbaha at sa mga low lying areas at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at ang local disaster risk reduction ang management council sa mga apektadong lugar na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.
Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang malaking bahagi ng Mindanao na epekto pa rin ng bagyong Carina.
Kabilang dito ang mga lalawigan ng Camiguin, Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Siargao Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Lanao del Norte, Zamboanga Peninsula, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Compostela Valley, Lanao del Sur, Maguindanao, Cotabato City, North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi tawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.