Road rage suspect, arestado na

Vhon Tanto1Naaresto na ng intelligence operatives ng Philippine Army ang suspek sa road rage incident sa Quiapo Maynila.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nadakip sa Barangay Poblacion sa Milagros, Masbate kaninang alas 11:50 ng umaga.

Sinabi ni Padilla na natunton ng mga tauhan ng Philippine Army ang kinaroroonan ni Tanto sa Masbate dahilan para siya ay madakip.

Hindi pa tiyak ni Padilla kung paano dadalhin sa Metro Manila si Tanto, pero tiyak aniyang itu-turnover ito sa Manila Police District (MPD) na siyang may hawak sa kaso.

Si Tanto ang suspek sa pagpatay sa biker na si Mark Vince Garalde.

Binaril ni Tanto si Garalde matapos silang magtalo at magsuntukan sa away sa lansangan sa Quiapo Maynila.

Samantala, sinabi ni Padilla na hindi na aktibong reservist ng Army si Tanto dahil matagal na nang ito ay huling magreport sa serbisyo.

Nauna nang kinansela ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng tatlong baril ni Tanto.

 

 

Read more...