Luzon grid, isinailalim muli sa yellow alert
Isinailalim muli sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa abiso ng NGCP, tatagal ng anim na oras ang yellow alert o simula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ng Biyernes, July 29.
Ang yellow alert ay bunsod ng pagkakaroon ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon, dahil sa nananatiling shutdown ng Sual 2, Calaca 2, Sta Rita, SLTEC, Limay 2 at Angat Main 2.
Para maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout, pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Partikular na maaring gawin ang pag-set ng air condition units sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator ay nakasarang mabuti at iwasan ang pagbubukas-sara nito.
Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.