ASG, itinurong nasa likod ng pagsabog sa Sulu

July 19, 2015 - 02:10 PM

sulu mapSumabog ang isang bomba na inilagay sa isang utility box ng isang itim na Honda Wave 100 sa loob mismo ng Soldier’s Village sa Barangay Busbus, Jolo, Sulu.

Apat ang sugatan sa naturang pagsabog.

Naganap ang pagsabog alas 7:30 ng gabi, araw ng Sabado sa tapat ng Manay Videoke.

Ayon sa mga saksi, isang motorsiklo ang nakitang nakaparada na sa tapat ng videoke bar, alas singko y medya pa lamang ng hapon.

Ayon sa intelligence sources sa Suli, ang mga hinihinalang nasa likod ng pagpapasabog ay sina Alkam Udiaman ng Ajang Ajang group, Almuktar Suddung at isa pang hindi pa nakikilalang trainee ng Abu Sayyaf na pawang nasa test mission.

Ayon pa sa source, ang pagpapasabog ay tinitignan din na ganti ng ASG sa pagkamatay ng isa sa kanilang sub-commander.

Agad na naisugod sa Sulu Provincial Hospital ang mga nasugatan.

Dalawa sa apat na sugatan ay mga sibilyan na nakilalang sina Abdul-Aziz Sakandal, 26 taong gulang ng Port Area, Barangay Walled City, at Leng Leng Banagudos, 37 taong gulang ng Tabak Division, Patikul.

Sugatan din ngunit agad na nakauwi sa kanilang tahanan sina Lea Banagudos, 35 taong gulang at Harvey Bunggay, tatlong taong gulang na may address sa Tabak Division, Patikul, Sulu.

Sa isang hiwalay na report, sugatan din ang isang Felix Codizal sa kanyang kaliwang paa. / Josephine Codilla

TAGS: blast, Radyo Inquirer, Sulu, blast, Radyo Inquirer, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.