CPP, humingi ng panahon kay Pangulong Duterte para maimbestigahan ang Davao ambush
Humingi ng panahon si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte para maimbestigahan ang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Davao del Norte na ikinasawi ng isang militiaman at ikinasugat ng apat na iba pa.
Ang apela ni Sison ay kasunod ng pahayag kahapon ni Duterte na nagsabing hanggang ngayong araw lamang ang ibibigay nila sa communist group para magpaliwanag at kung hindi ay babawiin niya ang deklarasyon ng unilateral ceasefire.
Sa ulat ng Inquirer Southern Luzon, sinabi ni Sison na inatasan na ng NDFP ang sangkot na NPA regional command para mag-imbestiga at magsumite ng report kaugnay sa naganap nap ag-atake.
Una nang sinabi ni NDFP spokesperson Fidel Agcaoili na nakausap na nila si government chief negotiator Silvestre Bello III hinggil sa insidente.
Tiniyak din ni Agcaoili na itutuloy nila ang kanilang pangakong umupo sa peace negotiation sa Aug. 20 hanggang 27 sa Norway.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.