Pagbitay sa 4 na convicted drug traffickers, itinuloy na ng Indonesia
Itinuloy na ng gobyerno ng Indonesia ang pagbitay sa tatlong dayuhan at isang Indonesian na pawang convicted drug traffickers.
Isinagawa ang execution sa apat na Nigerians at isang Indonesian sa pamamagitan ng firing squad Biyernes ng madaling araw.
Una nang sinabi ng attorney general ng Indonesia na labing apat na bilanggo nila kabilang ang mga dayuhan ang nakatakda nang i-firing squad.
Sinabi ni Noor Rachmad mula sa attorney general’s office, matapos ikunsidera ang ilang bagay, nagpasya silang ituloy ang firing squad sa apat at ipagpaliban muna ang sa sampung iba pa.
Ayon sa pamahalaan ng India at Pakistan, patuloy ang kanilang last-minute efforts para mapakiusapan ang Indonesian Government na huwag ituloy ang execution sa isang Indian at Pakistani.
Nasa 152 katao ang nakahanay sa death row sa Indonesia at kabilang dito ang Pinay na si Mary Jane Veloso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.