Low Pressure Area, binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Borongan, Eastern Samar.
Batay sa 4:00AM update ng PAGASA, huling namataan sa 370 kilometers East ng Borongan, Eastern Samar ang nasabing LPA.
Ayon sa PAGASA, nakapaloob ang nasabing LPA sa Intertropical Convergence Zone na naka-aapekto sa Visayas at Mindanao.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas Mindanao at sa MIMAROPA at Bicol Region.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon, makararanas ng maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan ang mararanasan ngayon araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.