Con-ass, hindi Con-con ang nais isulong ni Duterte

By Kabie Aenlle July 29, 2016 - 04:35 AM

 

Inquirer file photo

Mas gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng constituent assembly (Con-ass) para amyendahan ang 1987 Constitution upang gawing federal-parliamentary form na ang pamahalaan.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ito ang napag-desisyunan ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong pagkatapos ng National Security Council (NSC) meeting noong Miyerkules, kasama sina Senate President Koko Pimentel at Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ito’y matapos malaman ng pangulo na magkakahalaga ng P6 hanggang P7 billion ang constitutional convention, tulad ng una niyang nais gawin.

Ani Alvarez, napagkasunduan na sa pulong na uupo ang Kongreso bilang constituent assembly para rebisahin ang Saligang Batas, at mas pinili ito ng pangulo dahil ito ay mas mabilis at mas mura.

Kinumpirma rin ng Palasyo na napag-usapan nga sa pagpupulong ang “posibilidad” ng pagpa-panukala ng mga pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Con-ass.

Sa isang Con-con kasi, pipili ang mga rehiyon ng kanilang mga kinatawan na magpa-panukala ng amyenda sa Konstitusyon. Habang sa Con-ass naman, ang Congress ang uupo para maghain ng mga ia-amyenda sa Saligang Batas.

Gayunman, pareho namang mangangailangan ang dalawa ng pag-apruba ng mga tao sa isang referendum.

Ayon kay Alvarez, ang timetable para sa transition patungo sa pederalismo ay mangangailangan ng isang taon para amyendahan ang Konstitusyon, at isasagawa ang ratipikasyon pagkatapos ng midterm elections sa 2019, at handa nang ipatupad ang bagong Konstitusyon sa 2022 national elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.