CA kinatigan ang phaseout ng mga 15-year old na mga bus

 

Inquirer file photo

Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng Department of Transportation and Communications na isulong ang phaseout ng mga pampublikong bus na umeedad 15 taon pataas.

Sa desisyon ng CA, binanggit nito na may basehan ang direktibang ito ng Kagawaran na layunin na ayusin ang sistema ng transportasyon sa bansa.

Mas matimbang aniya ang kaligtasan ng mga commuter kumpara sa hangarin ng ilan na mapanatili ang mga lumang bus sa lansangan para sa kaunting kita.

Paliwanag pa ng CA, marami nang bus ang nasasangkot sa mga aksidente sa lansangan at marami rito ay kinabibilangan ng mga lumang bus.

Matatandaang taong 2002 pa nang ipag-utos ng DOTC ang modernisasyon ng mga pampublikong bus.

 

 

 

 

 

 

Read more...