Barakong local official pinag-aawayan ng mga matrona-Wacky Leaks ni Den Macaranas

July 28, 2016 - 11:55 PM

 

den-macaranas1Muntik nang magpang-abot ang dalawang matrona nang magsalubong ang kanilang landas sa isang hotel sa Pasay City kamakailan.

Matagal na silang may alitan dahil pareho silang naging sugar mommy ng isang local official mula sa Central Luzon.

Dahil parehong may pera ay pinag-sabay sila na gawing lover ng isang mataas na opisyal sa isang lalawigan.

Bago mag-eleksyon ay nabisto ang pamamangka sa dalawang ilog ni sir dahil sa sumbong ng isa sa mga staff ng isang mayamang jeweler na naging source ng kanyang campaig fund noong halalan.

Ang akala nung alahera ay siya lang ang “number 2” ni Mr. Politician pero nagkamali siya dahil meron pa pala itong ibang source ng campaign fund na mas mayaman kesa sa kanya.

Dati na niyang kinompronta si Mr. Politician pero hindi ito umamin.

Natural naman ayon sa ating Cricket dahil kapag umamin si Sir ay malaking pera din ang mawawala sa kanya.

Matayog ang pangarap sa pulitika ng ating bida dahil target niyang pamunuan in the future ang kanilang lalawigan.

Ngayon pa lang ay nag-iipon na ito ng pondo para sa kanyang kandidatura in the future.

Dati na ring nasangkot sa land grabbing ang pulitikong ito pero hindi umusad ang kaso dahil kakampi niya ang ilan sa mga dating opisyal ng nakalipas na administrasyon.

Hindi nakakapagtakang lapitin ng mga matatandang pusa na kung tawagin ay “cougar” si Sir dahil napanatili niya ang tikas ng kanyang pangangatawan.

Ito rin kasi ang naging puhunan niya sa kanyang unang carreer bago ang pulitika.

Ang pulitiko na pinag-aawayan ng mga matrona na pareho niyang ginawang sugar mommy ay si Mr. D…as in Dakota.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.