Engineer at 2 iba pa, patay sa pananambang sa Maguindanao

By Kabie Aenlle July 29, 2016 - 04:26 AM

 

gun1Patay ang isang engineer at dalawang iba pa kabilang ang kaniyang anak, matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Insp. Razul Pandulo na tagapagsalita ng Maguindanao police, sakay ng isang Toyota Hilux pickup truck ang mga biktimang sina Engr. Landap Guiamad ng Maguindanao provincial engineering office, anak niyang si Anwat at isa pa nilang kaanak na si Samon Lauban.

Patungo sana sa lungsod ang mga biktima nang bigla silang tambangan ng dalawang lalaking riding in tandem sa may Barangay Satan, pasado tanghali ng Huwebes.

Nakaligtas naman ang driver ni Guimad na si Abdulazis Guiamad, ngunit nagtamo rin siya ng mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo sa pag-atake at kung sino ang mga nasa likod ng krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.