Kotse ng road rage killer na si Vhon Tanto nasa Camp Crame na
Isinasailalim na ngayon ng SOCO o Scene of the Crime Operatives sa sa Kampo Crame ang sasakyan ng road rage suspek na si Vhon Tanto
Mula sa Aritao Nueva Vizcaya, ibinyahe ng Highway Patrol Group ang sasakyan na kinuha mula sa bayaw ni Tanto na si Jonathan Leano.
Sa inisyal na imbestigasyon ay walang napansing gasgas o anumang sira sa sasakyan maliban sa kapirasong yupi sa kanan bahagi sa fender sa ibabaw ng gulong sa unahan nitong Hyundai Eon na may conduction sticker na
MO 3745.
Matapos ang pagsusuri ng SOCO sa Kampo Crame ay pormal na itong ite-turnover ng HPG sa pangunguna ni Dir Antonio Gardiola kay MPD District Director Joel Coronel.
Samantala, muling nagbabala si Coronel sa publiko na kapag nakita ang suspek ay kaagad na ipagbigay alam sa MPD dahil na rin sa itinuturing na armed at extremely dangerous ang suspek.
Kaugnay nito, sinabi ni Coronel na sa ngayon ay mayroon na silang sinusundang lead para maaresto buhay man o patay si Tanto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.