Miss Universe pageant gaganapin sa Pilipinas sa Enero 2017

By Den Macaranas July 28, 2016 - 04:24 PM

Pia Wurtzbach
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Tourism Sec. Wanda Teo na ang Pilipinas ang susunod na host ng Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa January 30 2017.

Sinabi ni Teo na naging matagumpay ang ginawang pakikipagnegosasyon ng bansa sa Miss Universe Foundation.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na aabot sa $11 Million ang ponding nakalaan para sa nasabing timapalak pero kanyang nilinaw na walang gagastusin dito ang pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya maglalaan ng pondo ng gobyerno para sa beauty contest.

Ang Pilipinas ay naging host ng Miss Universe pageant noong 1974 at 1994.

TAGS: 2017 miss universe, teo, tourism, wurtzback, 2017 miss universe, teo, tourism, wurtzback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.