Senate hearing sa extra judicial killings, pag uusapan pa nina De Lima at Lacson

Extra judicial
Inquirer file photo

Kakausapin pa ni Sen. Leila de Lima si Sen. Ping Lacson kaugnay sa binabalak na pagsasagawa ng pagdinig ukol nagaganap na extra judicial killings.

Ang pinamumunuan ni De Lima na Committee on Justice and Human Rights ang lead committee at secondary naman ang Committee on Public Order and Drugs ni Lacson.

Ayon kay De Lima kailangan mapag-usapan nila ni Lacson kung joint committee hearing ba ang isasagawa o hiwalay.

Dagdag pa ng senadora kung siya ang papipiliin mas gusto niya na joint para isahan na lang.

Kasabay nito sinabi ni De Lima na wala naman siyang nakikitang problema kung magkaiba sila ng posisyon ni Lacson sa mga nagaganap na patayan sa lansangan.

Read more...