Sasakyan na ginamit ng road rage suspek sa Quiapo, natagpuan sa Nueva Vizcaya

Road rageNarekober na ng mga awtoridad sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang sasakyan na ginamit ng road rage suspek na namaril ng isang nagbibisikleta sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Police Chief Inspector Joberman Videz, hepe ng Aritao, Municipal Police Office sa Nueva Ecija, narekober nila at ng mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang kulay pulang Hyundai Eon na may conduction sticker na MO3745 natagpuan ang sasakyan sa barangay Kirang bayan ng Aritao.

Sinabi ni Videz na dumating sa bahay ng kanyang bayaw na si Jonathan Liano ang suspek ganap na alas sais ng gabi noong Martes at umalis din Miyerkules ng umaga.

Iniwan aniya ang nasabing sasakyan ng suspek na si Vhon Martin Tanto saka sumakay lamang ng bus.

Dadalhin aniya ang nasabing sasakyan sa punong himpilan ng Highway Patrol Group sa Camp Crame.

Read more...