Kongresista na dating sundalo, kontra sa panukalang magtayo ng rehab centers sa AFP camps

By Isa Avendaño-Umali July 28, 2016 - 10:30 AM

AFP camps
Inquirer file photo

Hindi pabor si Magdalo PL Rep. Gary Alejano sa panukala na maglagay ng rehabilitation centers para sa mga drug pusher at addicts sa mga kampo militar.

Sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, inanunsyo nito na papatayuan ng rehab centers ang mga kampo ng militar.

Babala ni Alejano, kapag nagkaroon ng rehab centers sa mga kampo ay malalagay sa alanganin ang seguridad sa mga military camp.

Punto pa ng Kongresista na dating sundalo, hindi sakop ng trabaho ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang rehabilitasyon para sa mga adik o tulak ng ipinagbabawal na gamot.

Sa halip aniya na isulong ang paglalagay ng rehab centers sa mga kampo ng militar, sinabi ni Alejano na dapat magtayo na lamang ang pamahalaan ng karagdagang rehab centers upang maacommodate ang libo-libong sumusukong drug users at pushers.

Ayon kay Alejano, nauunawaan niya na hindi inasahan ng gobyerno ang dagsa ng mga surrenderee, kaya hindi napaghandaan.

Gayunman, marapat na pagsumikapa ng administrasyon na matulungan ang mga drug pusher at users sa ibang paraan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.