Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Benjamin Hao, inatasan na ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Eduardo Anio ang liderato ng Army Reserve Command (ARESCOM) para magsagawa ng imbestigasyon sa suspek na si Tanto na at large pa rin hanggang sa ngayon.
Sa ngayon ay ginagawa na rin ng ARESCOM ang lahat para mahanap ang suspek.
Tiniyak naman ng Philippine Army ang kanilang suporta sa gagawing imbestigasyon ng Philippine National Police hinggil sa kaso ni Tanto.
Naganap ang insidente sa may P. Casal Street sa Quiapo, Manila noong Lunes ng gabi.
MOST READ
LATEST STORIES