PH Army, kinundina ang pagpatay ng isang Army reservist sa isang siklista sa Maynila

By Ruel Perez July 28, 2016 - 09:59 AM

Road RageMariing kinondena ng pamunuan ng Philippine Army ang pagpatay sa isang siklista na nakilalang si Mark Vincent Geralde ng isang army reservist na si Vhon Tanto na may ranggong Private.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Benjamin Hao, inatasan na ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Eduardo Anio ang liderato ng Army Reserve Command (ARESCOM) para magsagawa ng imbestigasyon sa suspek na si Tanto na at large pa rin hanggang sa ngayon.

Sa ngayon ay ginagawa na rin ng ARESCOM ang lahat para mahanap ang suspek.

Tiniyak naman ng Philippine Army ang kanilang suporta sa gagawing imbestigasyon ng Philippine National Police hinggil sa kaso ni Tanto.

Naganap ang insidente sa may P. Casal Street sa Quiapo, Manila noong Lunes ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.