5 sundalo, sugatan sa Compostela Valley

compostelaLimang sundalo ang sugatan nang tambangan ng mga pinaghihinalaang puwersa ng New People”s Army o NPA nitong Biyernes sa Compostela Valley.

Kabilang sa limang sugatan ang isang militiaman na residente rin ng bayan ng Pantukan sa Compostela.

Ayon kay Capt. Alberto Caber spokesman ng Eastern Mindanao Command, tumagal ng tatlumpung minuto ang bakbakan.

Idinetalye ni Caber na nagpa-patrolya ang 101st Division Reconnaissance Company sa Sitio Onor, Barangay Tagugpo bandang alas diyes ng umaga nang maganap ang pananambang.

Inilagay sa heightened alert ang puwersa ng pamahalaan sa Compostela Valley dahil sa insidenteng ito. / Kathleen Betina Aenlle

Read more...