4 patay sa sunog sa Pasay City

By Jong Manlapaz July 28, 2016 - 03:34 AM

 

Kuha ni Jong Manalapaz

(Update) Apat na ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog sa Sitio Pagasa Dos  Wella Compound,  Brgy 201 Pasay City.

Una nang kinumpirma ni BFP-NCR Regional Dir. Ronald Bañago na ang mga bata ay nasa edad na 8 taon at 5 taon na pawang magkapatid, 7 taon gulang na hindi pa makilala at limang buwang gulang na sanggol.

 

Nakilala ang tatlong biktima na sina John Dero Guarino, Ayah Shantal Guarino at ang limang buwan na na sanggol na si Patrick Ariz Romano at ang hindi pa nakikilala na nabatid na anak ni Hermela Argarin.

Umabot naman sa 150 pamilya ang naapektuhang ng sunog,  habang tinatayang nasa 75 na bahay ang tinupok ng apoy  at P950,000 ang halaga ng mga ari-arian nasunog.

Dakong alas-9:57 Miyerkules ng gabi ng unang sumiklab ang sunog sa lugar at itinaas sa Task Force Delta dakong alas 12:00 hatinggabi.

Aminado si Dir. Bañago na nahirapan sila na apulain ang apoy dahil iisa lang ang pasukan sa lugar, at may creek na nakapagitan bago makarating sa lugar.

Naubusan din umano ng tubig ang mga fire truck ng BFP Pasay kaya itinaas na nila ang alarma para tumulong na rin ang iba pang mga bumbero sa kalapit na syudad.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang apoy sa isang bahay na inuupahan ng isang Ruby Guarino.

Nakaligtaang kandila umano ang sanhi ng sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.