Globe Telecom, maniningil ng P5 sa tawag sa 911

July 28, 2016 - 04:28 AM

 

Inanunsyo ng Globe Telecom Inc. na maniningil sila ng karagdagang P5 sa kanilang subscribers sa kada tawag ng mga ito sa 911 emergency hotline.

Sa inilabas nilang pahayag, sinabi ni Globe General Counsel Froilan Castelo na mismong ang pamahalaan ang nagmungkahi na maningil sa pagtawag sa 911 upang maiwasan ang mga prank calls.

Paliwanag ni Castelo, bukod sa regular voice charges sa pagtawag sa hotlines, may karagdagan pa silang sisingilin na limang piso kada tawag sa 911.

Maari na rin aniyang gamitin ng subscribers ang Globe sa pagtawag sa emergency hotline 911, pati na sa complaint hotline 8888 pagdating ng August 1.

Mas pinabibilis na rin aniya nila ang pagsasa-ayos sa kanilang sistema upang mapayagan na rin ang pagpapadala ng text sa 8888.

Tiwala aniya sila na makakaya nila itong gawin sa loob ng 30 hanggang 45 na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.