PCA ruling, magiging basehan ng negosasyon sa China

By Kabie Aenlle July 28, 2016 - 04:32 AM

 

kerry duterteIbinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Secretary of State John Kerry na iba-base ng Pilipinas sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA), ang pakikipag-negosasyon sa China kaugnay ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, binanggit ng pangulo sa pagbisita sa kaniya ni Kerry na anuman ang tatalakayin sa bilateral taks sa China, PCA ruling ang magiging pundasyon nito.

Tiniyak rin ni Abella na walang balak si Pangulong Duterte na isantabi o balewalain ang desisyon ng international tribunal, sakaling ipilit pa rin ng China na hwuag itong kilalanin.

Samantala, hindi pa naman aniya napag-usapan ng pangulo at ni Kerry ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa kanilang diskusyon tunkol sa China, at iginiit na hindi naman magka-ugnay ang dalawang isyu.

Ayon naman kay Kerry, suportado ng Estados Unidos ang responsableng paraan ng Pilipinas sa pagtugon sa tension sa South China Sea.

Gayunman iginiit rin ng Secretary of State ang kanilang paninindigan sa pag-protekta ng mga karapatan, kalayaan at makatarungang paggamit sa himpapawid at mga karagatan alinsunod sa international law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.