Crime rate, posibleng tumaas dahil sa curfew TRO-NCRPO

By Ruel Perez July 28, 2016 - 04:35 AM

 

cyber-crimePosible umanong makaapekto sa crime situation sa Metro Manila partikular sa tatlong lunsod ng Quezon City, Maynila, at Navotas ang ipinalabas na TRO o temporary restraining order ng SC laban sa ipinatutupad na curfew ordinances.

Ayon kay NCRPO Acting Dir. Chief Supt. Oscar Albayalde, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng insidente ng krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad na kung hindi man sila ang mga biktima ay sila ang suspek.

Maaari umano itong mangyari kung hindi gagampanan ng mga magulang ang kanilang responsibilidad na tiyaking nasa bahay na ang mga anak ng alas 10:00 ng gabi.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Albayalde na hindi makaapekto ang TRO sa anti-criminality campaign ng PNP.

Ani Albayalde, magpapatuloy pa rin ang kanilang pagpapatrolya sa gabi sa pakikipag-tulungan ng mga opisyal ng barangay at local government units.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.