Minority group ni Suarez, minaliit ang banta na iaakyat sa SC ang Minority leadership issue

By Isa Avendaño-Umali July 28, 2016 - 04:10 AM

 

harry-roqueMinaliit lamang ng Minorya sa Kamara ang banta ng Legitimate 8 na i-aakyat sa Korte Suprema ang isyu sa Minority leadership sa Mababang Kapulungan.

Kumpiyansang sinabi ni Kabayan PL Rep. Harry Roque na hindi aaksyunan ng Supreme Court ang anumang petisyon na ihahain ng grupo nina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Albay Rep. Edcel Lagman.

Paliwanag ni Roque, na isang abogado, ang usapin sa Minority leadeship ay ‘matter of internal rules’ ng isang co-equal branch ng pamahalaan.

Ibig sabihin, ang anumang political question ay labas sa hurisdiksyon ng korte, maliban kung may grave abuse of discretion.

At sa puntong ito, ani Roque, walang grave abuse of discretion dahil ipinatupad lamang ng Kamara ang House rules.

Umiral din aniya ang nasusulat, kaysa sa tradisyong nakasanayan sa Mababang Kapulungan.

Batay sa Rule 2 section 8, ang Majority leader ay pinipili ng House Speaker habang ang Minority leader ay inihahalal ng mga miyembro ng Minorya.

Kaya giit ni Roque, walang nilabag ang grupo ni Suarez, at wala ring pang-abuso.

Sa isyu naman ng pagboto ng mga Kongresista na na-abstain, sinabi ni Roque na hindi agad na itatrato ang mga ito bilang independent.

Sa halip ay papipiliin kung gustong sumama sa mayorya at minorya, at kapag walang napili doon lamang sila magiging independent.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.