NPA sumalakay sa Davao Del Norte, 1 patay, 4 sugatan

By Kabie Aenlle July 28, 2016 - 04:32 AM

 

Inquirer file photo

Ilang araw lang matapos magdeklara ng unilateral ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga rebeldeng komunista, isa ang naitalang patay habang apat naman ang nasugatan sa pananambang ng New People’s Army (NPA) sa Davao del Norte.

Ayon kay Army 103rd Brigade commander Brig. Gen. Ricardo Nepomuceno, pabalik na ang mga tropa ng gobyerno sa kanilang kampo sa Brgy. Gupitan sa bayan ng Kapalong.

Ito aniya ay kasunod ng pagde-deklara ng Suspension of Military Operations (SOMO) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) alinsunod sa inanunsyong ceasefire ng pangulo.

Gayunman habang sila ay pabalik na sa kanilang kampo, tinambangan sila ng mga miyembro ng NPA na ikinasawi ng isang militiaman ng gobyerno at ikinasugat ng apat na iba pa.

Bagaman kinokondena ito ni 10th Infantry Division commander Major General Rafael Valencia, patuloy nilang igagalang ang ceasefire na idineklara ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.