38 estudyante at guro, nabiktima ng food poisoning sa Bohol

 

Inquirer.net/contributed photo

38 estudyante, kasama ang kanilang class adviser ang nadala sa pagamutan makaraang malason umano sa kinaing pagkain sa lalawigan ng Bohol.

Pawang mga Grade 11 student ng San Roque National High School ang karamihan sa mga biktima na nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagdudumi.

Ayon sa principal ng paaralan na sina Ambrosio Fuerzas, pare-parehong kumain ng kinilaw na isda, fried chicken, kanin at butsi ang mga biktima na binili ng mga estudyante at guro.

Nagdiriwang aniya ng acquaintance party ang mga estudyante sa paaralan, araw ng Martes at nag-boodle fight sa inihandang pagkain.

Gayunman, makalipas ang ilang oras, nakaranas na ng sintomas ng food poisoning ang mga biktima.

Sunud-sunod na nadala sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH) sa Tagbilaran City ang mga estudyante at guro.

Ilan sa mga estudyante ang nagsabing wala naman silang napansin na kakaiba sa pagkain maliban sa bahagyang ‘pagkahilaw’ ng kinain nilang kanin.

Read more...