Ombudsman Morales, pinarangalan ng Magsaysay award

By Kabie Aenlle July 28, 2016 - 04:09 AM

 

Inquirer file photo

Itinuturing ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na isang malaking karangalan ang makatanggap ng Ramon Magsaysay Award na katumbas ng Nobel Prize sa Asya.

Sa kaniyang inilabas na pahayag, hindi lang sa kaniya ang karangalan kundi pati sa mga tauhan ng Office of the Ombudsman na katuwang niya sa pagiimbestiga ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Magsisilbi aniya itong inspirasyon sa kanilang opisina upang mas pag-igihin pa ang kanilang tungkulin na sugpuin ang kurapsyon sa gobyerno.

Pinarangalan ng Ramon Maagsaysay Award Foundation si Morales para sa kaniyang tapang at sa pangunguna niya sa pag-harap sa isa sa pinakamalalaking problema ng bansa sa pamamagitan ng pagiging mabuting ehemplo ng “incorruptibility, diligence, vision and leadership” sa serbisyong publiko.

Ang mga makakatanggap ng award na ito ay mabibigyan ng certificate, medalya at cash prize sa awarding ceremony sa August 31 sa Cultural Center of the Philippines.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.