Cong. Suarez pipiliting pag-isahin ang minorya sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali July 27, 2016 - 04:34 PM

House minority
Photo: Isa Umali

Tatangkain ni House Minority Leader Danilo Suarez na makipagkasundo sa tinaguriang “Legitimate 8” nina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Albay Rep. Edcel Lagman.

Ayon kay Suarez, kaibigan naman niya si Baguilat at wala namang nagbago sa pagtrato niya sa Ifugao Congressman kahit pa nagkatunggali sila dahil sa isyu ng Minority leadership sa Kamara.

Naalala ni Suarez na noong chairman pa si Baguilat ng House Agrarian Reform Committee, ang kanyang misis pa ang naghost ng hearing sa Quezon Province.

Ani Suarez, mamayang sesyon ay kukuha siya ng pagkakataon na lapitan at kausapin si Baguilat, maging si Lagman.

Pero sa serye ng post sa Twitter ni Baguilat ngayong araw, sinabi nitong ‘Condolence fake minority. Souls have been sold.’

Dagdag nito, mananatili raw ang pagkakaibigan pero umaasa siyang makakatingin sina Suarez sa kanya ‘straight in the eyes.’

Kinuwestiyon pa ni Baguilat kung magiging epektibong Minority leader at fiscalizer si Suarez, lalo’t co-author siya ng mga panukalang death penalty at emergency powers para sa pangulo na iniakda ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

TAGS: 17th congress, baguilat, house minority, suarez, 17th congress, baguilat, house minority, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.