Quiapo road rage killer na si Vhon Tanto binigyan ng ultimatum ng MPD

By Jan Escosio July 27, 2016 - 04:23 PM

Vhon Tanto2
FB photo

Hanggang alas-singko lamang ngayong hapon ang ibinigay na taning ni Manila Police District Office acting Director SSupt. Joel Coronel sa Philippine Army reservist na si Vhon Tanto.

Si Tanto ang suspek sa pagpatay sa siklista na si Mark Vincent Geralde sa Quiapo, Maynila kamakalawa.

Sinabi ni Coronel maari namang may kasama ng abogado si Tanto sa pagsuko nito.

Giit ni Coronel handa silang gamitin ang kanilang puwersa para mahanap si Tanto buhay man o patay.

Aniya itinuturing nila ang suspek na extremely dangerous dahil nakumpirma na may mga pag-aari itong mga lisensiyadong baril.

Dagdag pa ni Coronel wala pa silang natatanggap na surrender feeler mula sa suspek at aniya nakikipag ugnayan na sila sa Philippune Army ba nagsabing handing tumulong para hanapin o pasukuin si Tanto.

TAGS: coronel, MPD, Philippine Army, vhon tanto, coronel, MPD, Philippine Army, vhon tanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.