4 EPD cops na umaming gumagamit ng droga tutulungan para ma-rehab

By Ruel Perez July 27, 2016 - 03:18 PM

PNP Drug Test
Inquirer file photo

Sa gitna ng mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ay patuloy pa rin ang isinasagawang internal cleansing ng EPD o Eastern Police District.

Ayon kay EPD District Director S/Supt. Romulo Sapitula, nakumpleto na nila ang drug testing sa 2,700 na pulis sa EPD kung saan dalawa dito ang nagpositibo at kasalukuyang nang sumasailalim sa summary dismissal proceeding.

Bukod sa dalawang positibo, may apat na pulis din umano ang kusang sumuko kay Sapitula bago pa ang drug testing.

Dahil dito, hindi sila isinailalim sa dismissal proceedings at binigyan ang apat ng pagkakataon na magbago.

Bagaman narelieve sa kanilang pwesto, hindi naman sila isinalang sa dismissal proceedings, sa halip ay sumasailalim sa counseling at physical fitness program sa tanggapan ng EPD sa Pasig City.

TAGS: drug test, epd, drug test, epd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.