Philippine Army tutulong sa imbestigasyon sa pamamaril ng isa nilang reservist

By Den Macaranas July 27, 2016 - 03:15 PM

Vhon Tanto1
MPD photo

Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Army para kaugnay sa pagkakasangkot ng isa nilang reservist sa pamamaril sa Quiapo, Maynila.

Sinabi ni Col. Benjamin Hao, spokesman ng Philippine Army na may ranggong Private ang rerservist na si Vhon Tanto.

Nilinaw rin ng pamunuan ng Philippine Army na hindi sila nag-iisyu ng baril sa mga reservist na tulad ng naturang suspek.

Ipinaliwanag ni Hao na hindi rin pwedeng sumailalim sa court martial si Tanto dahil wala naman siya sa active duty.

Si Tanto ay nakunan ng CCTV nang barilin nila ang isang cyclist naka-alitan sa isang kalsada sa Quiapo.

Sa ulat ng Manila Police District Office, limang beses umanong binaril ni Tanto ang biktima at may tinamaan pa na isang bystander na ngayon ay nasa kritikal na kundisyon.

Naglunsad na rin ng malawakang manhunt operation ang mga pulis para tugisin si Tanto.

TAGS: Philippine Army, reservist, tanto, Philippine Army, reservist, tanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.