Suspek na nakapatay sa bike-rider sa road rage sa Quiapo, kinilala na; isang army reservist ayon sa MPD

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2016 - 12:34 PM

FB Photo
FB Photo

Tinukoy na ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng tunay na suspect sa pagpatay sa isang bike-rider sa road rage incident na naganap sa Quiapo Maynila.

Ayon kay MPD homicide division chief Sr. Insp. Rommel Anicete, ang suspek ay kinilalang si Vhon Tanto.

Isa umanong army reservist si Tanto at inilarawan ni Anicete bilang “armed and dangerous”.

Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operations ang MPD at mga tauhan ng National Bureau of Investigation para madakip si Tanto.

Una nang nilinis ng MPD at NBI ang pangalan ni Nestor Punzalan matapos kumalat sa Facebook na siya ang suspek sa pagpatay kay Mark Vincent Geralde.

Humingi rin ng paumanhin si Top Gear editor Vernon Sarne sa pag-post ng larawan ng sasakyan at impormasyon ni Punzalan sa kanilang Facebook page.

Ayon kay Sarne, siya ang responsable sa pag-post ng nasabing larawan at gagawin umano niya ang lahat para personal na makahingi ng paumahin kay Punzalan at sa kaniyang pamilya.

 

 

TAGS: road rage suspect, road rage suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.