US, neutral sa sea dispute, pero maninindigan sa freedom of navigation

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon July 27, 2016 - 12:18 PM

Inquirer Photo / Tarra Quismundo
Inquirer Photo / Tarra Quismundo

Mananatiling neutral sa mga usapin tungkol sa agawan sa teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea ang Estados Unidos.

Gayunman, sinabi ni US Secretary of State John Kerry, maninindigan ang bansa sa paggigiit ng pagrespeto sa freedom of navigation.

Si Kerry ay nasa Pilipinas at nakipagkita kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Miyerkules ng umaga para sa using bilateral talks.

Matapos ang pag-uusap ng dalawang opisyal, pinuri ni Kerry ang Pilipinas sa aniya ay “very responsible and measured way” na pagtugon sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa territorial dispute.

Ayon pa kay Kerry, hindi maaring balewalain ng China o ng anumang partido ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea.

Ani Kerry, “legally binding” at naaayon sa International law ang pasya ng Arbitral tribunal

Muli namang nanawaga si Kerry sa China, Pilipinas at iba pang claimants na iwasan na ang mga hakbang na makapagpapalala pa ng tensyon na huwag palalain ang tensyon sa West Philippine Sea at sa halip ay magbigay ng daan para sa negosasyon, multilateral man o bilateral approach.

Sinabi ni Kerry na maliban sa South China Sea issue, may mas mawalak pang agenda ang pagbisita niya sa Pilipinas gaya na lamang ng pagtalakay sa kung paano masusugpo ang violent extremism, paglaban sa transnational crime, human trafficking, at pagtugon sa kalamidad.

 


 

 

TAGS: US Secretary of State John Kerry visits PH, US Secretary of State John Kerry visits PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.