19-anyos na pumatay sa isang pari sa France, matagal nang under surveillance

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2016 - 11:01 AM

Photo from Saint Etienne-du-Rouvray
Photo from Saint Etienne-du-Rouvray

Isa sa mga suspek na pumatay sa isang pari habang ito ay nagmimisa sa France ay matagal nang under surveillance ng mga otoridad.

Katunayan, ayon kay Francois Molins, ang 19-anyos na si Adel Kermiche ay dalawang beses nang naaresto noong nakaraang taon, at nilagyan na ito ng surveillance tag sa kaniyang binti.

Suot pa ni Kermiche ang nasabing tag nang isagawa ang pagpatay sa 84-anyos na si Father Jacques Hamel.

Dalawang beses umano tinangka ng nasabing suspek na umalis ng France patungong Syria pero naharang ito.

Si Kermiche, kasama ang isa pang hindi pa nakikilalang suspek ay armado umano ng pekeng explosive device at armas nang sila ay pumasok sa simbahan, nang-hostage ng mga nagsisimba at saka ginilitan ang pari.

Gumamit pa ng tatlong hostages ang dalawang suspek bilang human shields nang dumating sa simbahan ang mga pulis.

Kwento ng isa sa mga madre na nasaksihan ang krimen, pinaluhod pa ng mga suspek si Father Hamel. Nagsalita din umano ang mga suspek na tila ba nagsasagawa ng sarili nilang “sermon” habang nasa altar gamit ang Arabic language.

Kapwa napatay ng mga pulis ang dalawang suspek.

 

TAGS: France church attack, France church attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.