Malawakan ang problema ukol sa food poisoning dahil sa sistemang ipinatutupad ng Department of Health at ng Food and Drug Administration.
Sinabi sa Radyo Inquirer ni Dr. Anthony Leachon ng University of the Philippines-Manila na dahil sa bago si Health Secretary Janette Garin sa pwesto ay reactive at marami itong iniintindi kaya hindi nito mapagtuunan ang problema ng food poisoning.
Ayon kay Leachon, dapat ay magtalaga si Garin ng permanenteng FDA director. “Hindi namamatyagan ang regulation at monitoring kung wala talagang pinuno ang FDA,” ani Leachon.
Idinagdag din ng opisyal na mahalaga ang kalinisan ng mga tao pagdating sa pagkain gaya sa pagluluto, sangkap at lalagyan ng pagkain at dapat tulungan ang gobyerno sa pagtugon sa mga kaso ng pagkalason sa pagkain.
Ang first aid kung nagsusuka ang biktima ay maghalo ng asin at asukal sa isang litrong tubig at ito ang inumin nang inumin hanggang makarating sa ospital kung saan malalagyan ng suwero ang isang nalason ayon pa kay Leachon. / Len Montaño
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.