Dahil sa kapos na reserba ng kuryente, Luzon grid nasa yellow alert muli

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2016 - 09:49 AM

NGCP towerIsinailalim muli sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa abiso ng NGCP, tatagal ng anim na oras ang yellow alert o simula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ng Miyerkules, July 27.

Ayon sa NGCP, batay sa kanilang power outlook kaninang alas 7:00 ng umaga, mayroong 9,495MW na available capacity, at nasa 9,043MW ang peak ng demand ng kuryente.

Sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon ay inaasahang tataas pa ang demand sa kuryente kaya ninipis pa lalo ang reserba.

Sa ngayon ayon sa NGCP, mayroon pa ring mga planta ang sumasailalim sa maintenance kaya naka-shutdown o hindi nagagamit.

Para maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout, pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Partikular na maaring gawin ang pag-set ng air condition units sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator ay nakasarang mabuti at iwasan ang pagbubukas-sara nito.

Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.

 

 

TAGS: yellow alert for luzon grid, yellow alert for luzon grid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.