Bata, sugatan sa sunog sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo July 27, 2016 - 09:33 AM

fireNasugatan ang isang siyam na taong gulang na batang babae, matapos ang sunog na naganap sa barangay Bahay Toro sa Quezon City.

Nagtamo ng second-degree burns sa kaniyang balikat ang bata na ngayon ay ginagamot sa Quezon City General Hospital.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa dalawalang bahay sa Seminary Road sa nasabing barangay.

Naapula ang apoy ala 1:33 ng madaling araw at ayon sa Quezon City Fire Department umabot sa P30,000 ang halaga ng nasunog ng mga ari-arian.

Sa bahay ng pamilya Asuncion nagsimula ang sunog at nadamay ang katabing bahay.

 

 

 

TAGS: fire hits two residential house in Quezon City, fire hits two residential house in Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.