Tradisyon sa paghalal ng house minority leader, pinababago na

congress (1)Hinimok ni Buhay Party List Rep. Lito Atienza ang mga kongresistang nag-abstain sa botohan sa speakership noong Lunes na dumalo sa ipinatawag na pulong para maghalal ng minority leader ng Kamara.

Ayon kay Atienza, panahon nang maputol ang tradisyon na ang runner-up ng house speaker ang otomatikong maging minority leader.

Ani Atienza, dahil sa walang tumutol sa binanggit na rules ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, nangangahulugan ito na tanggap ito ng mga Kongresista.

Sa nasabing rules, ang mga kongresistang hindi bumoto sa nanalomg speaker ay kailangang mag-usap at magbotohan kung sino ang napipisil nilang maging lider ng oposisyon.

Kagabi, kinumpirma ni Atienza, maging nina Reps. Raul Daza, Toby Tiangco at Edgar Erice na may imbitasyon nga para sa naturang pulong.

Kahapon, sinabi ni Erice na ang masalimuot na usapin sa house minority sa Kamara ay maaaring umabot sa Korte Suprema kapag hindi naresolba.

Ayon kay Erice, dapat i-recognize ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Baguilat bilang lider ng minorya, kaysa kay Suarez, upang maiwasan na mai-akyat ang usapin sa Mataas na Hukuman.

Matatandaan na sa botong 251-8-7, si Alvarez ang nahalal na Speaker, habang pangalawang nakakuha ng mataas na boto ay si Baguilat, na isa lamang ang agwat kay Suarez.

 

 

Read more...