Matapos pigilin ng Korte Suprema ang curfew ordinance, pag-iral ng discipline hour tuloy pa rin sa QC
Nilinaw ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na hindi saklaw ng Temporary Restraining Order ng Korte Suprema ang mga ordinansa ng mga barangay sa lungsod hinggil sa curfew.
Ang tawag aniya nila sa ordinansa ng bawat barangay na nagbabawal sa mga menor de edad na magpakalat-kalat sa dis oras ng gabi ay “discipline hour”.
Pero paliwanag ni Bautista, may ilang mga barangay lamang ang nag-adopt ng “discipline hour” ordinance.
Mainam din aniya na naglabas ng TRO ang SC para mabigyan sila ng guide kung anong mga probisyon ng ordinansa ang babaguhin o aalisin.
Inihayag din ng alkalde na bagaman pansamantalang pinigil ang curfew hour ay may existing ordinance naman ang lungsod na Juvenile Justice and Welfare Act na magbibigay protesksiyon sa mga bata, pati na ang citizens arrest.
Paliwanag ni Bautista, simula kasi nang ipatupad nila ang discipline hour na mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw ay bumaba ang insidente ng riot sa Quezon City at paggamit ng mga sindikato ng mga bata sa kanilang modus operandi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.