Dalawang hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Navotas

By Ricky Brozas July 27, 2016 - 08:18 AM

crime-scene-620x413Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Navotas City, Miyierkules ng umaga.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng Navotas City cemetery sa Barangay San Jose.

Sinakal ito gamit ang isang lubid at natagpuan sa kaniyang bulsa ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, isang lalaki naman ang binaril sa ulo sa bahagi ng C3 Road Navotas patungong Northbay Blvd.

Ayon kay PO2 Philip Edgar Valera ng Navotas PNP, matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek.

Isang sachet din ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa biktima.

Patuloy na inaalam ng Navotas police ang pagkakakilanlan ng dalawang natagpuang biktima ng summary execution.

 

 

TAGS: two summary execution victims found in Navotas, two summary execution victims found in Navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.