Apat na hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa Pasay City

By Jong Manlapaz July 27, 2016 - 07:00 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Apat na hinihinalang biktima ng summary execution ang itinapon sa magkahiwalay na lugar sa Pasay City simula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang bago mag alas 5:00 ng umaga.

Una ng natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa may madilim na bahagi ng Diokno Avenue tapat ng gusali ng GSIS sa Pasay City.

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Balot ng packaging tape ang mukha at ang dalawang kamay ng lalaki habang nasa kanyang ulo ang mensahe na “Huwag kaming tularan, carnapper / adik kami marami ng tao niloko namin”.

Ilang oras lamang ang nakalipas, natagpuan naman ang isa pang bangkay ng lalaki na may balot din ng packaging tape ang mukha at maging ang kamay sa bahagi ng southbound service road lane sa Pasay City sa gilid ng DTI compound.

Kuha nI Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Iniwanan din ng karatula ang biktima na may nakasulat na “Carnapper kami huwag tularan marami na kaming nabiktima”.

Wala pang isang oras, natagpuan namang patay ang isa pang lalaki sa Interior 1760 Taft Ave. Brgy. 41, Pasay City.

May balot din ng packaging tape ang bibig, kamay at paa at brief lang ang tanging suot ng lalaki.

Iniwanan din ng karatula ang biktima na nay nakasulat na “Akyat bahay ako ‘wag tuluran, ako si alyas kuntil”.

Kuha nI Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Ilang kalye lamang ang layo sa Brgy. 41 natagpuan naman ang isa pang bangkay ng lalaki na may packaging tape ang mukha, kamay at paa.

Hinihinalang mismong sa Donada St. sa Brgy. 33, Pasay City sa gilid lamag ng Arellano University pinatay ang biktima.

Iniwanan ng karatula ang biktima na may nakasulat na “Huwag tularan akyat bahay ako, ako po si Patrick”.

 

TAGS: summary execution victims found in Pasay City, summary execution victims found in Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.