China kinastigo ng US, Japan at Australia

 

Dahil sa kabiguan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaisa sa kanilang testimonya kaugnay ng ruling ng arbitral tribunal sa agawan ng teritoryo sa South China Sea, ang United States, Australia at Japan na ang gumawa nito.

Sa joint statement ng tatlong magkaka-alyadong bansa, inihayag nila ang kanilang pagkabahala sa matinding isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon pa sa pahayag nina Secretary of State John Kerry at foreign ministers Fumio Kishida at Julie Bishop, mariin nilang kinokondena ang anumang hakbang na posibleng makapagpalala sa sitwasyon sa rehiyon.

Nagpulong ang tatlo sa Vientiane, Laos sa sidelines ng mga serye rin ng pagpupulong ng ASEAN.

Ipinahayag rin sa nasabing joint statement ng tatlong bansa na matindi nilang sinusuportahan ang rule of law, kasabay ng panawagan sa China at Pilipinas na sumunod sa desisyon ng arbitral tribunal.

Matatandaang nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA) na halos lahat ng mga pag-angkin ng China sa South China Sea ay iligal.

Ngunit nahati ang ASEAN dahil sa divide-and-rule diplomacy ng China matapos nitong makuha ang suporta ng Cambodia at pati na rin ng Laos.

Read more...