Panukalang pagbuo ng ‘superbody’ vs trapik, isinusulong sa Kongreso

By Kabie Aenlle July 27, 2016 - 03:30 AM

 

Inquirer file photo

Isa sa mga ikinukonsiderang solusyon ng administrasyong Duterte sa krisis sa matinding trapiko hindi lang sa lupa kundi pati sa himpapawid, ay ang pagbuo ng “superbody” na nasa ilalim rin ng pangangasiwa ng pangulo.

Ipinapanukala na ng mga liderato sa Kongreso ang House Bill No. 3 o ang “Traffic Crisis Act” na bubuo ng centralized traffic authority at magbibigay ng emergency powers kay Pangulogn Duterte sa loob ng dalawang taon.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito, mabibigyang kapangyarihan ang pangulo para i-reorganize, i-merge o i-abolish ang Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metro Manila Development Authority, Toll Regulatory Board, Civil Aviation Board at Civil Aviation Authority of the Philippines.

Sa introductory note ni Speaker Pantaleon Alvarez, maituturing nang isang national emergency ang matinding road at air traffic sa bansa na dulot ng dumaraming sasakyan at mga domestic at international flights.

Magkakaroon rin ng kapangyarihan si Duterte na alisin na ang mandatory bidding sa pagbili ng mga transportation equipment.

Sa halip, papayagan ng panukalang ito ang pangulo na pumasok sa mga negotiated contracts para sa pagku-kumpuni at pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang kakailanganin para sa maayos na daloy ng transportasyon sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.