Mga ‘Boss’ bubuweltahan ni ‘mediaman’-Wacky Leaks ni Den Macaranas

July 27, 2016 - 02:03 AM

 

den-macaranas1Masama ang loob ng isang sikat na mediaman dahil pakiramdam nya ay para siyang basurang itinapon ng kanyang pinaglingkurang media entity sa loob ng mahigit sa dalawang dekada.

Ang akala kasi ni Mr. Mediaman ay may babalikan pa siyang carreer makaraan siyang makipagsapalaram sa larangan ng pulitika.

Hindi siya binuwenas sa nakaraang halaan kaya handa na siyang bumalik sa kanyang mahal na trabaho pero bigla siyang pinagsarhan ng pintuan ng kanyang dating pinaglilungkuran media outlet.

Yung dati niyang iniwan na pwesto ay nasulot na pala ng isang mediaman na sinibak kamakailan mula sa isang malaking broadcasting company.

Sinabi ng ating Cricket na noong sibakin sa trabaho ang feeling magaling na brodkaster ay kinuha siya ni Mr. Mediaman sa kanilang himpilan.

Binigyan niya ulit ito ng pagkakataong makabawi sa kanyang nagkawindang-windang na carreer sa media.

Kahit paano ay nakabangon naman at nabigyan pa ng magandang posisyon si Brodkaster.

Pero kahit na maganda ang kanyang pwesto ay may ambisyon pala ito sa mas mataas na posisyon kaya ng kumandidato si Mr. Mediaman ay nakakuha ito ng tiyempo.

Noong una ay panay ang kanyang papuri kay Mr. Mediaman pero iba naman pala ang ginagawa nito kapag nakatalikod na ang taong nagbigay sa kanya ng magandang break.

Sinabi ng ating Cricket na puro paninira ang ginagawa nito hanggang sa mga matataas na opisyal ng kanilang kumpanya.

Pilit na kinaibigan ni Brodkaster ang ilang mga “makapangyarihang nilalang” sa kanilang kumpanya hanggang sa magapang niya ang posisyon na inaambisyon.

Bagama’t dismayado ang ilan sa kanilang mga kasamahan ay wala naman silang magawa dahil matatag na ngayon ang pwesto ni Brodkaster.

Kahit na naaawa sila kay Mr. Mediaman ay hanggang awa at pakikiramay na lamang muna ang maibibigay nila sa dati nilang “Boss”.

Ayon sa ating Cricket, maghahanda ng legal move si Mr. Mediaman para mabigyan ng hustisya ang ginawang pagtalikod at pambabastos sa kanya ng dati niyang itinaguyod na kumpanya.

Ang Mediaman na hindi na pinabalik sa kanyang pwesto sa kumpanya na dati niyang tinulungang umunlad ay si Mister….kilala nyo na yun.

Ang nanulot naman sa kanyang pwesto na kilala sa paggawa ng mga scenario noong nasa kabilang himpilan pa ay si Mr. A….as in Alice in wonderland.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.