VP Robredo, inaming hindi pa kayang pamunuan ang LP

By Kabie Aenlle July 27, 2016 - 04:15 AM

 

File photo

Nakiusap si Vice President Leni Robredo sa Liberal Party na kung maari ay gawin na lamang “titular” ang kaniyang pagiging pinuno ng partido.

Ayon kay Robredo, masyado na kasi siyang maraming ginagawa ngayon bilang bise presidente at housing chair, kaya aminado siyang mahihirapan siya sa paghawak ng kapangyarihan sa kanilang partido.

Aniya pa, ang pagpalit pa lamang ng mukha ng Office of the Vice President ay napakalaking bagay na.

Paliwanag naman niya, hindi naman niya iiwan ang partido, ngunit nakiusap siya na baka maaring ‘ceremonial’ na lamang ang kaniyang posisyon na tipong hindi hahawak ng masyadong malaking kapangyarihan at responsibilidad.

Dagdag pa ni Robredo, mas mabuti kung ang mga miyembrong mas matagal na sa partido at nakakaalam na sa kalakaran nito ang mamuno, at hindi ang tulad niyang noong 2013 lamang pumasok sa partido.

Alinsunod kasi sa konstitusyon ng Liberal Party, ang miyembrong makakakuha ng pinakamataas na posisyon sa gobyerno ang dapat na mamuno sa partido.

Gayunman, sinabi rin ni Robredo na balang araw ay baka kayanin na rin niya itong hawakan ngunit sa ngayon mas nais niyang sa mga beteranong miyembro mapunta ang posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.